Karanasan

Mahigit isang dekada na nang magsimula akong maglingkod sa mga iglesia ng Ebangheliko at madaming bagay na nakalilito ang sinisikap kong maintindihan. Sa mga pagsasaliksik na ito ay aking nakita ang iba’t-ibang mukha ni Kristo sa labas ng iglesia: sa katayuan ng mga bulnerableng kabataan, mga aping magsasaka at mga salat na mangingisda. Sa ilang taon ng pag-oorganisa kasama ang mga sektor na ito sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas, nakakapukaw pansin na tila malaki ang kakulangan ng maraming ebanghelikong simbahan upang magkaroon ng mga direktang aksyon sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga maralitang kapatid. Lumikha ito sa akin ng katanungang bakit nagpapatuloy ang mga inhustisyang kanilang pinagdaraanan, at sa kabila nito ay tahimik ang mga Ebanghelikong simbahan? Bakit ang layunin ng maraming simbahan ay magligtas lamang ng mga kaluluwa at hindi isama ang ang katawang lupa? May problema ba sa ating teolohiya?

Sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay sa buhay at pananampalataya dala ang mga alalahaning ito, aking nakasalamuha ang Penuel. Ang Penuel ay nagbigay ng espasyo para sa malaya at malikhaing pagkatuto ng dekalibreng teolohiya kung saan hinihikayat kami na mag-isip kaysa magkabisa, mag-analisa muna bago ikilos ang bibig at mga paa. Dito unti-unti kong nakikita ang direktang kaugnayan ng Diyos sa aking kapwa at sa lahat ng kanyang nilikha. Isang karangalan na makasalamuha ang payak na komunidad ng Penuel at ma-ging estudyante nito. Ang antas ng edukasyon ay sopistikado gamit ang mga simpleng terminong abot-kamalayan ng mga simpleng manggagawa ng maliliit na simbahan, at ang paraan ng pagkatuto na nagmumula sa opinyon na lahat kabilang ang mga estudyante at hindi lamang mula sa mga guro.

Ang ilan sa mga katangiang ito at mga paglililinaw sa aming pagkalito ang sinisikap na isapamuhay ng aking kumonidad sa Tondo, ang Theo sa Kanto. Naglalayon kaming humantong sa pagiging kristiyano sa diwa at gawa. Ang mga pagsusubok na ito ang nagdulot sa amin sa mga pagkilos gaya ng pagresponde sa ilang mga naganap na sunog at magbigay ng trauma healing o debriefing, makilahok sa ilang mga kilos protesta, atbp. upang lumalim ang karanasan at pang-unawa sa sakit ng lipunan, at magkaroon ng mga direktang aksyon sa pamamagitan ng maliliit na inisiyatiba sa aming pamayanan at sa mga kaugnay nito.

Sa kabuuan, isa lamang ang aming komunidad sa marami pang iba na nakikinabang mula sa mga natutunan hindi lamang sa teorya kundi sa mga karanasan at kasanayang alok ng Penuel na posibleng sa Penuel lamang matatagpuan. -Dominic Navalesca

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this:
search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close